Lalaki, hinalay raw ang 13-anyos dahil napagkamalan niya itong asawa

LILIW, LAGUNA – Makalipas ang halos isang taong pagtatago, naaresto ng awtoridad noong Miyerkoles ang suspek sa panggagahasa sa isang 13-taong-gulang na babae sa naturang probinsiya.

Ayon sa pulisya, hinalay umano ni Benjie Guerrero ang biktima matapos niya itong mapagkamalang asawa bunsod ng sobrang kalasingan.

Nangyari ang krimen habang nagbabakasyon ang salarin sa Mindoro kasama ang pamilya niya noong Mayo 2019.


Bihira na raw umuwi sa kanilang bahay si Guerrero matapos ang kalunos-lunos na insidente.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang operatiba laban sa suspek makaraang makatanggap ng impormasyon sa pinagtataguan nito.

Nasa kostudiya siya ngayon ng Liliw Police at nahaharap sa kasong rape, child abuse, at sexual assault.

Facebook Comments