Lalaki, hinuli matapos magtago ng droga sa kanyang ‘pekeng’ ari

BRUSSELS, Belgium – Arestado sa isang airport ang isang lalaki mula UK matapos makuhanan ng “cocaine” sa loob ng kanya umanong pekeng ari.

Sa inilabas na pahayag ng piskal noong nakaraang linggo, maaaring maharap sa tatlong taong pagkakakulong ang lalaki dahil sa nasabing pagkakasala.

Noong Pebrero ay naiulat ng the New Zealand Herald na natiklo ang lalaki nang tangkain nitong ipuslit ang droga mula Jamaica patungong Belgium.


Una na umano nitong iginiit na nakuha niya ang nasabing cocaine habang binibisita ang ina at para raw ito sa kanyang personal na pangangailangan na mariin namang pinabulaanan ng mga tagausig.

Dito inihabla ang 36 buwang sentensya sa suspek na mabilis na kinuwestiyon ng defense attorney.

Masyado raw mahigpit ang parusang ipapataw sapagkat mayroon umanong karamdaman ang naturang lalaki.

Kasalukuyan daw itong may sakit sa bato at kinailangang mag-ehersisyo habang sinusunod ang tamang diet para sa kanyang kalusugan.

Nakatakda naman itong sentensyahan ngayong darating na Miyerkules.

Facebook Comments