Lalaki, hinuli matapos umanong gawing puhunan sa droga ang natanggap na pera mula sa 4Ps

233
Handcuffs

Arestado ang isang lalaki matapos mahuling ginagamit nito ang ayudang natanggap mula sa 4Ps bilang puhunan sa pagtutulak ng droga.

Kinilala ang suspek na si Erickson Montemayor, 24, na nahuling may 10 gramo ng hinihinalang shabu.


Ayon sa report ng Sampaloc Police, ginamit umanong puhunan ng suspek ang ayudang natanggap habang ang quarantine pass naman ay ginagamit daw ng kanyang mga parokyano.

Samantala, sa huli ay inamin ni Montemayor ang pagbebenta ng droga.

Kwento niya, para raw ito sa asawang manganganak na ngayong buwan.

Sasampahan naman ng reklamong pagbebenta at pag-iingat ng droga ang suspek ayon sa pahayag ng pulisya.



Facebook Comments