Lalaki, hinuli matapos ‘ututan’ ang mga pulis

Hinuli at binigyan 75-hour community service ang isang lalaki mula sa Scotland, matapos nitong ututan ng tatlong beses ang mga pulis habang isinasasagawa umano nila ang isang ‘strip search’.

Ayon sa pulisya, mayroon umanong banggaan sa Lang Stracht sa Aberdeen at doon nakita nila si Stuart Cook, 28, na nakikipagsagutan sa kapwa driver.

Agad raw silang lumapit sa lugar upang kausapin si Cook at doon raw ay nakaamoy sila ng marijuana.


Dito raw agad nilang isinagawa ang paghahanap at nakuha umano sa sasakyan ni Cook ang ilang piraso ng marijuana.

Agad na hinuli ng awtoridad si Cook at dito ay nagsimula raw sumigaw ng malakas ang naturang lalaki hanggang dalhin ito sa istasyon ng pulisya sa Kittybrewster at doon isinagawa ang strip search.

Habang ginagawa ang proseso, dito na raw umutot ng tatlong beses si Cook at sinabi pa sa mga pulis, “How do you like that?”

Dinala sa korte si Cook at doon ay binigyan ito ng 75-hours of unpaid work at hinatulang guilty sa paggamit ng marijuana at ng ‘behaving in a threathening or abusive manner by shouting and screaming aggressively, displaying aggressive body language.

Sinabi naman sa korte ng defense attorney ni Cook na si Laura Grace, “He had been smoking a cannabis joint at the time and felt police overreacted in the way they dealt with him. He became increasingly upset with them and acted in the manner libeled.”

Samantala, ayon sa pulisya, hindi raw ito ang unang pagkakataong nangyari ang ganitong klase ng insidente.

Facebook Comments