Isang 62-anyos na matanda ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa kanilang ikinasang entrapment operation sa Brgy. San Guillermo, San Marcelino, Zambales dahil sa pagbebenta ng karne ng aso.
Kinilala itong si Efren Arimboanga na inireklamo sa CIDG ng Animal Kingdom Foundation, isang non-profit animal welfare organization dahil sa umano’y talamak na bentahan ng karne ng aso.
Sa entrapment operation nitong October 5, nakuha sa suspek ang pitong kilo ng hilaw na karne ng aso, pitong kilo ng (Kilawin), pitong kilo ng dinuguan na mga karne ng aso at mga gamit pangkatay at panluto.
Na-rescue naman ang tatlong buhay na aso nang isagawa ang entrapment operation at agad na itinurn-over sa Animal Kingdom Foundation para rehabilitation at treatment.
Sa ngayon nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag Republic Act o ang Anti-Rabies Act.