Lalaki, Huli matapos habulin ng Itak ang mga rumespondeng Barangay Kagawad

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ng kapulisan ang mandamiento de aresto nito kaninang 9:00 ng umaga sa Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alvin Soler, 27 anyos, laborer at residente ng Brgy. San Manuel sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, ikinostodiya na si Soler sa PNP Naguilian para sa pagsasampa ng pormal na reklamo sa kasong direct assault matapos nitong habulin gamit ang itak ang mga rumespondeng kagawad at napag alaman din na may kinaharap itong kaso sa Lungsod ng Ilagan matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Rodolfo Dizon, RTC Br. 18 Ilagan City para naman sa kasong pagnanakaw sa ilalim ng criminal case no. 8988.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng halagang P30,000.00

Facebook Comments