Lalaki, Huli sa Kasong Paglabag sa VAWC Law!

73

*Luna, Isabela- *Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas matapos maisilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. San Isidro, Luna, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alex Galorosa, 38 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Hinuli si Galarosa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC, Branch 23, Roxas, Isabela.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their children (VAWC) Act of 2004 si Galarosa na may kaukulang piyansa na P36,000.00.

Nasa pag-iingat na ng PNP Luna ang ang akusado at nakatakdang iturn-over sa court of origin nito.

Facebook Comments