Lalaki, Huli sa Pag-iingat ng Iligal na Baril

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki dahil sa pag-iingat nito ng illegal na baril matapos isilbi ang search warrant sa Romulo Bucag St, Purok 2 Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Gilbert Bautista, alyas Kulbet, 48 taong gulang, may-asawa at residente rin sa naturang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, isinilbi ang search warrant kay Bautista na inisyu ni hukom Reymundo L. Aumentado, ng RTC, Cauayan City, Isabela na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang (1) unit ng improvised shotgun (sumpak) at dalawang (2) unit ng improvised Caliber 22 rifle.


Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang mga nakuhang baril para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments