Lalaki, huli sa pagbebenta ng corals at exotic na isda

Parañaque City – Kalaboso ang isang lalaking matapos mahuling ilegal na nagbebenta ng corals, exotic na isda at iba pang lamang-dagat sa Parañaque City.

Ayon kay Atty. Czar Eric Nuqui, hepe ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division, ibinibenta ang mga lamang-dagat online kung saan nakararating pa ang mga ito sa ibang bansa.

Aniya, inaangkat ng suspek ang mga lamang-dagat mula pa sa iba’t-ibang lugar sa buong bansa kabilang na sa mga probinsiya ng Quezon at Bohol.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa fisheries code habang itu-turn over sa pangangalaga ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga nasamsam na lamang-dagat.

Facebook Comments