Arestado ng isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng mga di lisensyadong baril sa National Highway, Brgy. District 3, Gamu, Isabela kamakailan.
Kinilala ang suspek na si Alyas Ed, 45-taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Union, Gamu, Isabela.
Siya ay nadakip sa isinagawang entrapment o buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng 1st IPMFC, PIU-IPPO, Gamu PS, Detectives ng Isabela PFU-CIDG, RFU 2 at RSOT-CIDG Loose Firearms.
Nasamsam mula sa suspek ang dalawang unit na Armscor caliber .45 at Ruger P95DC 9mm pistol na parehong may serial number; 2 pirasong stainless magazine at 21 pirasong ammunition; isang unit ng iPhone 6; isang brown sling bag; isang 500 peso bill (buy bust money) at 25 pirasong 1000 peso bill na ginamit bilang boodle money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Facebook Comments