Lalaki, Huli sa Pagbebenta ng Droga!

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang lalaki na kabilang sa Directorate for Intelligence (DI) Watchlist matapos na maaresto sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa Brgy Lullutan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Roderick Cruz, 45 anyos, may asawa at residente ng Brgy Baculud, City of Ilagan, Isabela.

Sa inilatag na operasyon ng mga otoridad ay positibong nakabili sa halagang isang libong piso (P1,000) ang isang police poseur buyer mula sa suspek ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.


Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang P1,000 na buybust money at isang unit ng cellphone.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang naturang suspek.

Facebook Comments