Lalaki, huli sa paggamit ng pekeng pera sa Pasay

20

Pasay City – Arestado ang isang lalaki matapos gumamit ng pekeng pera sa pagbili ng bus ticket sa isang terminal sa Pasay City.

Ayon sa mga otoridad, napansin ng cashier ng bus terminal na peke ang pera ibinayad sa kaniya ng 25-anyos na si Nurhan Nur.

Sa isinagawang inspeksyon, nakuha kay Nur ang aabot sa P48,500 halaga ng pekeng pera na kinabibilangan ng P1,000, P500, P200 at P50 bills.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit.

Facebook Comments