Arestado ang isang 51-anyos na lalaki dahil sa panggagahasa sa dalagita nitong anak.
Ayon sa 15-anyos na biktima, halos araw-araw siyang pinagsasamantalahan ng sariling ama na umabot ng tatlong taon.
Maliban sa pangmomolestiya, sinasaktan din raw siya ng suspek.
Ayon sa ina ng biktima, naglakas-loob na ang panganay niyang anak na magsumbong na sa kaniya dahilan para ireklamo nila ito sa pulisya.
Nabatid na hiwalay na ang mga magulang ng biktima.
Inamin naman ng suspek na may ginagawa nga siyang kahalayan sa dalagita niyang anak pero depensa niya, lasing daw siya kaya niya nagagawa ang pananamantala.
Itinanggi naman ng suspek na sinasaktan niya ang anak.
Mahaharap sa reklamong rape in relation to the special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act, na may parusang maaaring umabot sa habang buhay na pagkakakulong ang suspek.