Lalaki, huli sa tangkang pagpuslit ng droga sa kulungan

Kalaboso ang isang mister matapos tangkaing ipasok sa Taguig City Jail ang pulbos na naglalaman ng droga.

Kinilala ang suspek na si Oliver Osorio, 50 anyos, na nakuhaan ng dalawang sachet ng shabu na may street value na ₱4,000.

Ayon kay Senior Superintendent Alex Santos, Hepe ng Taguig City Police, idinahilan ni Osorio na may hika ang kaniyang asawa at ang dala niya ang gamot nito.


Nabatid dati nang nakulong si Osorio noong 2014 dahil din sa kaso kaugnay ng iligal na droga.

Dahil sa nangyari, kanselado muna ang dalaw sa Taguig City Police habang iniimbestigahan ang insidente.

Facebook Comments