Lalaki humiwalay ang ulo matapos makaladkad at magulungan ng DumpTruck

1582

*Cauayan City, Isabela*- Agad na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos itong makaladkad at magulungan ng isang dumptruck na may lamang graba pasado 4:00 ng hapon kanina sa pambansang lansangan ng Brgy. Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jordan Genove, 48 anyos, may asawa at residente ng Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela habang nakilala ang nakabanggang tsuper ng dumptruck na si Erwin Ramirez, 29 anyos, may asawa at residente ng Brgy.Villa Imelda, Ilagan City, Isabela.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa misis ng biktima na si Ginang Luzviminda Genove, pauwi na sila sa kanilang tahanan mula sa isang bangko sa Lungsod ng Cauayan upang mag asikaso ng ilang dokumento at habang binabagtas nila ang pambansang lansangan ng nasabing lugar ay mabilis aniya ang naging pagpapatakbo ng nasabing truck at aksidente nga nitong nahagip ang kanyang mister.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, binabagtas ng driver ng truck na may lamang graba at buhangin ang pambansang lansangan patungo sa hilagang direksyon ng mawalan ito ng kontrol at aksidenteng mabangga ang bahagi ng pampasaherong tricycle na sakay ang biktima at pamilya nito at ilan pang sasakyan na kinabibilangan ng SUV, Motorsiklo na binabagtas naman ang kaliwang bahagi ng daan.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, nahulog ang biktima na pawang pasahero at backride ng tsuper ng tricycle at agad na nakaladkad ng dumptruck na nagresulta ng kanyang pagkamatay matapos humiwalay ang ilang parte ng kanyang katawan matapos ang insidente.

Boluntaryo namang sumuko sa kapulisan ang suspek at posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide.

Facebook Comments

From Advertisers