LALAKI, INARESTO DAHIL SA KASONG STATUTORY RAPE SA URDANETA CITY

Isang 23-anyos na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad bandang alas-8:14 ng gabi noong January 5, 2026 sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng Binalonan Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Statutory Rape na may tatlong bilang, na may rekomendasyong walang piyansa.

Kinilala ang akusado sa inisyal na isang binata at residente ng nasabing lungsod.

Matapos ang pag-aresto, agad siyang dinala at kasalukuyang nasa kustodiya ng Binalonan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at karagdagang proseso ng batas.

Patuloy na pinaaalalahanan ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments