Lalaki, Inaresto dahil sa Pagsusuot ng Camouflage

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang isang lalaki matapos maaresto sa paglabag sa *Article 179* ng *Revised Penal Code o *Illegal use of uniforms or insignia at pagsasalita ng maaanghang na salita sa mga pulis sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Una rito, pinatigil sa pagmamaneho ng mga alagad ng batas na nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng National Highway sa bahagi ng San Fermin ang suspek na kinilalang si Warren Collado, 34 taong gulang, electrician at residente ng barangay Narra, Echague, Isabela dahil sa pagsusuot nito ng military short pants (camouflage).

Nang sitahin ng mga pulis ang suspek dahil sa camouflage short nito ay nagbitaw umano ng mga hindi magandang salita ang suspek at nakipagbuno sa mga pulis na dahilan upang siya ay tuluyang arestuhin ng mga pulis.


Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa lock-up cell.

Facebook Comments