LALAKI, INARESTO SA KASONG TANGKANG PAGPASLANG

Cauayan City – Himas rehas ang isang lalaking wanted sa batas matapos maaresto ng mga awtoridad sa Purok 7, Rizal, Saguday, Quirino.

Ang pag-aresto ay base sa warrant of arrest na inilabas ni Hon. Fe Albano Madrid, Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 21, Santiago City dahil sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php 200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, ang suspek na kinilalang si alyas “CJ” ay nasa kustodiya ng Santiago City Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.


Ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsamang puwersa ng Traffic Enforcement Unit sa ilalim ni Police Lieutenant Colonel Andy P. Orilla, hepe ng istasyon, at Police Station 4 sa pamumuno ni Police Captain Hassan Nor D. Damac, Acting Station Commander, kasama ang mga tauhan ng Saguday Municipal Police Station, QPPO.

Ang pagkakadakip sa akusado ay resulta ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, na naging matagumpay rin dahil sa kooperasyon ng mga mamamayan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Facebook Comments