Lalaki inundayan ng saksak ang nanakal sa kanya

Malinao, Aklan— Kulong sa Malinao Police Station ang suspek na si Romel Isuga 18 anyos residente ng Brgy. Kinalangay Viejo Malinao matapos saksakin ang biktimang si Leo Carlo Rondario 25 anyos at residente rin ng naturang lugar.
Ayon sa mga otoridad na nangyari ang insidente kahapon bandang 1:45 ng hapon kung saan nagmamaneho ng motorsiklo ang suspek nang biglang tambangan ng lasing na biktima at sakalin ito.
Nakabunot umano ng kutsilyo si Romel at naundayan nito ng saksak sa kanang bahagi ng tiyan ang biktimang si Leo Carlo.
Sa pagresponde ng mga otoridad ay naabutan ng mga ito ang suspek na naroon sa isang brgy. checkpoint at agad dinala sa police station samantalang naisugod naman sa ospital ang biktima.
Narecover naman ang kutsilyong ginamit ng suspek sa pananaksak kung saan may haba itong 12 inches.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na sa tuwing nakakainom ng alak ang biktima ay lagi nitong inaaway ang suspek.
Sa ngayon nagpapagaling na sa pagamutan ang biktimang si Leo Carlo habang nakatakda namang sampahan ng Frustrated Homicide si Isuga.

Facebook Comments