ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

Lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng droga sa Tondo Maynila

Manila, Philippines – Natimbog ang isang lalaki matapos mahulihan ng shabu sa Tondo, Maynila.

Nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang Gagalangin PCP sa may Juan Luna Extension St., 179, Tondo Maynila nang mankita ang 29-anyos na tricycle driver na si Allan Jay Palo dahil sa kahina-hinalang kilos.

Nang kapkapan, nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang sachet ng shabu na may street value na 300 pesos.

Nakatakdang kasuhan si alias Jay ng paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments