Lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng shabu matapos magwala sa Pasig City

Kalaboso ang isangĀ  construction worker matapos mahulihan ng iligal na droga nang magwala sa loob ng Rizal Medical Center sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.

Sa impormasyon nakuha ng DZXL RMN Manila, nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa guwardiya na si Renato Election hinggil sa pagwawala ng 39-anyos na suspek na si Oliver Azuela.

Nang reposdenhan ng Pasig City Police Community Precint Station 10, sinubukan awatin si Azuela pero mas naging agresibo ito at naghamon pa ng away si Azuela dahilan para arestuhin ito ng mga otoridad.


Nang kapkapan, nakuha pa mula sa suspek ang isang sachet ng shabu kung saan inaalam na ngayon kung saan sino ang source nito ng iligal na droga.

Facebook Comments