Lalaki, Kalaboso sa Pagtutulak ng Droga!

43

Cauayan City, Isabela- Posas ang inabot ng isang lalaki matapos matiklo sa pagbebenta ng iligal na droga sa Brgy. San Juan, Cabagan, Isabela.


Kinilala ang suspek na si Anthony Cartalla Baccay, 36 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. San Juan, Cabagan, Isabela.

Natimbog si Cartalla sa isinagawang drug buybust operation ng PNP Cabagan katuwang ang PDEA RO2 kung saan positibong nabili mula sa suspek ang isang (1) heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at nakumpiskang droga para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments