Lalaki, kinaladkad palabas ng eroplano dahil ayaw makipagpalitan ng upuan

via John Gilbert

Isang lalaki ang sapilitang pinalabas ng eroplano matapos hindi pumayag na makipagpalitan ng puwesto sa katabing pasahero.

Sa flight na Dallas Fort Worth papuntang Los Angeles ng American Airlines, isang lalaki ang hindi pumuwesto sa kaniyang assigned seat dahil hindi niya raw ito gusto.

Ayon sa kasamang pasahero nito na si John Gilbert, nakareserba ang upuan ng lalaki sa row 36 ngunit umupo ito sa window seat.


Pinasuyuan ni Gilbert ang lalaki, hindi pinangalanan ng airline, na makipagpalitan ng upuan ngunit tumanggi ito.

Sa video na inilabas ni Gilbert, sinabi ng pasahero na, “Don’t force me, don’t violate my freedom. That’s my seat. You don’t like it? Switch it.”

“If the police come right now I’m going to stay in that seat,” dagdag nito. “I don’t give a f***.”

Lumapit ang airline personnel sa kalagitnaan ng pagtatalo ng dalawang pasahero. “You can’t talk to anyone like that, you’re getting kicked off of this flight,” ani flight attendant.

Mapapanood sa video na nagpupumiglas na nilagay sa wheelchair ang lalaki habang inilalabas ng mga pulis sa eroplano.

Pinalabas naman pansamantala ang iba pang mga pasahero habang hawak ng mga pulis ang lalaki.

Nagresulta ang kaguluhan ng pagkaantala ng flight sa loob ng 45 na minuto ngunit hindi naman inaresto ang lalaki.

Facebook Comments