Lalaki, Kinitil ang Sariling Buhay dahil sa Depresyon!

442

Cauayan City, Isabela- Wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng bahay ang isang lalaki matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa Brgy. Buyun, Sta. Teresita, Cagayan.

Nakilala ang nagpatiwakal na si Nino Mondejar, 43 taong gulang, walang asawa at residente sa naturang lugar.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ng kanyang ina sa loob ng kanilang bahay ang nakabitin na katawan ng biktima gamit ang isang nylon cord.

Nabatid na ang biktima ay nakakaranas ng depresyon mula nang mamatay ang tito na itinuturing nitong ikalawang ama noong nakaraang Oktubre 2019.

Mula noon ay nagsimula na rin uminom ng gamot (antidepressant) ang biktima at dakong alas 5:00 ng hapon, May 23, 2020 ay naabutan na lamang itong nakabigti.

Facebook Comments