Lalaki – kritikal matapos malapitang barilin sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Kritikal ang isang lalaki matapos na barilin ng malapitan sa kanto ng G. Perfecto at Hammabar Street sa Barangay 52, Tondo, Maynila.

Inoobserbahan pa din sa ospital ang biktima na si Rodel Noble na may tama ng bala sa leeg at likod.

Sugatan naman ang isang alyas ‘Manny’ matapos tamaan ng ligaw na bala sa likuran.


Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Upang malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.

Facebook Comments