Lalaki, muntikan nang masalisihan ng bag sa Parañaque City

36

Manila, Philippines – Natangayan ng mahigit 100,000 pesos ang isang lalaki habang kumakain sa isang restaurant sa barangay Moonwalk, Parañaque City.

Sa kuha ng CCTV, pumasok ang isang lalaki na tila abala sa pakikipag-usap sa telepono.

Ang tatlo nitong kasabwat na babae ay pinalibutan na ang kanilang target na abala sa pagkain.

Lumapit pa ang lalaki sa biktima at nagtanong ng oras dito na nakahanap ng tiyempo ang mga kasama nito na kuhanin ang bag.

Nang makuha ang bag ay dito na sila nagsi-alisan ang mga suspek.

Pero nang makahalata ang biktima ay agad itong nagsumbong sa gwardya at naaresto ang isa sa mga suspek na si Gilbert Ali.

Ayon kay Parañaque PNP Investigator, SPO1 Romy Brezuela – nabawi din ang bag ng biktima.

Napag-alamang marami nang nabiktima ang grupo.

Patuloy namang tinutugis ang mga kasabwat ng nahuling suspek.

Facebook Comments