Nauwi sa isang induced coma o temporary coma ang 25-anyos na lalaki mula New Jersey matapos maantala ang kanyang pagpapagamot nang maiwala umano ng laboratory ang coronavirus test sample nito.
Ayon sa report ng the Sun Journal, anim na araw nang coma ang lalaki sa ospital sa Edison, New Jersey.
Kwento ng ina nito, nagsimula raw magkasakit ang kanyang anak noong Marso 13 ngunit hindi agad nito nakuha ang kailangang lunas dahil naiwala ng lab ng ospital ang kanyang test sample.
Dahil dito, hindi umano nakatanggap ng kahit anong resulta ang lalaki matapos ang limang araw kaya napigilan ang noon sana’y gamutan na nasimulan na.
Hindi raw sila pinayagang bigyan ng gamot ng ospital lalo pa’t limitado lamang ito dahil na rin sa kakulangan ng suplay.
Agad namang umapela ang pamilya ng lalaki para mabigyan ito ng agarang lunas para mailigtas ang kanyang buhay.
Giit pa ng naturang ina, lubhang delikado ang coronavirus kaya labis ang kanyang pag-aalala sa anak.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng pamilya ng lalaki dahil sa maliit na tugon mula rito.
Sa ngayon ay ginagawan na ng aksyon ang pagbibigay lunas sa lalaki sakaling positibo nga ito sa COVID-19.