Lalaki na Drug Target ng PNP Laguna, Arestado sa Buybust Operation sa Isabela!

114

Cauayan City, Isabela- Nahulog na sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng PNP Laguna matapos itong maaresto sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad sa Brgy San Andres, City of Ilagan, Isabela.

Dakong alas 6:00 kagabi nang madakip sa transaksyon ang suspek na kinilalang si Junar Barcenas, 42 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy Santiago 2, San Pablo, Laguna.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang anim (6) na plastic sachet ng hinihinalang shabu, limang (5) piraso ng Php1,000.00 na buybust money, isang (1) granada at isang (1) sling bag.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang item para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 9516 o illegal possession of explosives.

Facebook Comments