Lalaki, na galing sa BIAF-MILF Officers Assembly, patay matapos mabundol ng van sa North Cotabato!

Kinilala ang biktima na si Yussoph Makasikot Sangkupan, 63 anyos, may asawa at residente ng Sitio Luanan, Barangay Gokotan, Pikit, North Cotabato.
Ayon sa pagsisiyat ng Pikit Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ng kanilang hepe na si Police Chief Insp. Romy Castañares, napag-alaman na galing sa Camp Darapanan, Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao ang biktima para sa BIAF-MILF Officers Assembly.
Pagdating umano ng biktima sa Barangay Batulawan, Pikit ay bumaba na ito mula sa sinakyang motorsiklo, papatawid na si Sangkupan sa national highway nang may paparating na isang dum truck at motorsiklo kaya tumigil ito saglit, sakto namang may rumaragasang D4D van na nag-overtake sa dum truck at nasapol ang kawawang biktima.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang matanda na nakalagkad pa ng van dahilan ng kanyang agaran kamatayan.
Agad din naman sumuko sa mga otoridad ang driver ng van na kinilalang si Michael Dorumal 27 anyos, binata, residente ng Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Nanggaling sa bayan ng Mlang sa lalawigan ng Cotabato ang nasabing van na may plakang ATA 2767 upang ipagamot sa albularyo ang may-ari nito na si Nelda Barangco.
Sa ngayon ay nasa custodial facility na ng Pikit MPS ang driver at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.(with report from:Jessie Ali)

Facebook Comments