Lalaki na Hinihinalang Nabagsakan ng Kahoy, Natagpuang Patay!

108

Cauayan City, Isabela- Patay ng matagpuan ang isang lalaki sa bayan ng Alcala, Cagayan na hinihinalang nabagsakan ng pinuputol na punong kahoy kahoy.

Kinilala ang biktima na si Joel Salamero, 51 anyos, walang asawa, residente ng Brgy. Centro Sur, Alcala, Cagayan.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isang report ang kanilang natanggap mula sa isang residente kaugnay sa natagpuang bangkay ng biktima na agad namang nirespondehan ng PNP Alcala.

Base sa kanilang pagsisiyasat, posible umano na habang pinuputol ng biktima ang punong kahoy sa bulubunduking bahagi ng taniman ng mais ay nabagsakan ito ng kahoy at tumama sa ulo na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Facebook Comments