Lalaki na Hit and Run sa Reina Mercedes, Isabela!

*Reina Mercedes, Isabela*- Patuloy pa rin ang isinasagawang hot pursuit operation ng kapulisan sa may ari ng SUV Fortuner na bumangga sa biktima sa pambansang lansangan ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes, Isabela kagabi

Kinilala ng nasawing biktima na si Jefferson Lasam, 29 anyos, may asawa at residente ng Paraiso St. Cabaruan, Cauayan City, Isabela

Lumalabas sa imbestigasyon ng Reina Mercedes PNP, binabagtas ng biktima ang nasabing daan lulan ng kanyang motorsiklo na may plakang 0201-790541 at nang marating ang pinangyarihan ng insidente ang nasabing biktima ay nag overtake sa kasunod na sasakyan at ilan pang sandali ay aksidente itong bumangga sa paparating na puting SUV na may plakang UN 338


Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima at agad namang nilapatan ng paunang lunas at kalaunan ay agad din isinugod sa pinakamalapit na pagamutan pero idineklarang dead on arrival ang biktima ng doktor.

Agad namang tumakas ang driver ng SUV matapos ang nangyaring insidente.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments