Lalaki, Na-Hit and Run!

Baguio City, Philippines – Kahit gaano ka ka-ingat sa kalsada, kung ang kasabay mo naman ay pasaway, hindi ka pa rin ligtas.
Magaalas-kwatro ng hapon kanina, habang may kabigatan ang daloy ng trapiko nang may isang medyo mabilis na SUV ang nakasagi sa biktima, huminto diumano ang driver ng sasakyan at sinabing hindi nya nabangga ito.
Nang sabihin ng mga nakasaksi na isakay at dalhin sa pagamutan ang lalaki, susunduin pa daw ng driver ang amo nito sabay harurot palayo.
Kasalukuyang ginagamot ang biktima sa hospital.




Facebook Comments