Lalaki na may 3 Counts na Child Abuse, Arestado!

99

*Ilagan City, Isabela- *Bagsak na sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa batas matapos maaresto ng mga otoridad bandang alas sais kaninang umaga sa Brgy Aggassian, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alvin Alvarez, 34 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli sa bisa ng warrant of arrest si Alvarez na ipinalabas ni hukom Andrew U. Barcena ng RTC Branch 17, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela.

Si Alvarez ay nahaharap sa kasong 3 counts ng paglabag sa RA 7610 o Child Abuse kung saan may inirekomendang halaga ang korte na tig P200,000.00 sa kada kaso nito para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa Ilagan City Police Station ang akusado para sa tamang disposisyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Facebook Comments