LALAKI NA MAY KASONG PAGLABAG SA ANTI-VAWC LAW, ARESTADO SA DAGUPAN CITY

Arestado ang isang 23-anyos na lalaki na wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City.

Ang suspek, na residente ng Barangay Calmay, ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas para sa paglabag sa Seksyon 5(i) ng naturang batas.

Mayroon itong nakatakdang piyansa na 72,000 pesos para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon sa ulat, naisagawa ang pag-aresto nang maayos at naitala sa pamamagitan ng body-worn camera at Alternative Recording Device (ARD) bilang bahagi ng transparency at accountability ng kapulisan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments