Lalaki na may Kasong Paglabag sa VAWC Law, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga otoridad ang lalaking wanted sa kasong paglabag sa RA 9262 o VAWC Law sa Brgy. Cansan, Cabagan, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Gabriel Bautista, 32 anyos, may-asawa, welder at residente ng Brgy. Cansan, Cabagan, Isabela.

Si Bautista ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Br. 22, Cabagan, Isabela.


May inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na halagang P72,000.00.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cabagan ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments