Lalaki na may kasong Pagnanakaw, Agad nakapagpiyansa

26

*Cauayan City, Isabela*- Pansamantalang nakalaya ang isang lalaki matapos itong makapagpiyansa ng nagkakahalagang (P10,000.00) sa kanyang kasong pagnanakaw matapos magpalabas ng mandamiento de aresto ang hukuman laban dito.

Kinilala ang akusado na si Nicanor Medina, 78 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Jones, dinakip ng mga kapulisan si medina sa bisa ng warrant of arrest nito matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Heherson Casareno, 15th MCTC Jones-San Agustin Isabela para sa nasabing kaso.

Sa ngayon ay nasa magpapatuloy pa rin ang kaso laban dito.

Facebook Comments

From Advertisers