Lalaki na may kasong Pang-aabuso, Arestado ng mga Otoridad!

61

*Alicia, Isabela- *Timbog ang isang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Burgos, Alicia, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rajesh Gallarde, 30 anyos, residente Brgy. Guam, San Guillermo, Isabela.

Si Gallarde ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Inaresto si Gallarde dakong alas diyes kagabi sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Br 20 Cauayan City, Isabela.

Dinala na sa kustodiya ng PNP San Guillermo, Isabela ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P200,000.00.

Facebook Comments