Lalaki na May Sakit sa Pag iisip, Patay matapos Magbigti

123

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuang patay ang isang lalaki na pinaniniwalaang nagbigti sa loob ng kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. Matucay, Allacapan, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Nicanor Dela Cruz, 40 anyos, may asawa at residente sa lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Allacapan, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Municipal Health Office na may isinugod na biktima sa kanilang pagamutan na wala ng buhay.

Agad na tumugon sa tawag ang pulisya para imbestigahan ang nangyaring insidente.

Lumabas pa sa imbestigasyon ng pulisya, nagulat na lamang ang kapatid ng biktima na nagngangalang Edgar ng makita nito ang katawan ng kanyang kapatid na nakabitin ang katawan gamit ang isang lubid na dahilan ng pagkamatay nito.

Batay din sa resulta ng medico legal na isinagawa ni Dra. Lea Morena-Viloria-Donton, lumalabas na pagkasal ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.



Napag alaman pa na may sakit sa pag iisip ang nasabing biktima at dalawang beses na rin itong nagtangka na magpakamatay ayon sa kaanak ng biktima.


Photo Courtesy: BoracayInformer

Facebook Comments