LALAKI NA NAHULING NAGBEBENTA NG LOOSE FIREARMS, NAKASUHAN NA

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ‘Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act’ ang isang lalaki sa bayan ng Gamu na naaktuhang nagbebenta ng Loose Firearms.

Kinilala ang suspek sa alyas na Ed, 45-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Union, Gamu, Isabela na nahuli nitong Biyernes, September 23, 2022 sa National Highway, Brgy. District III ng nabanggit na bayan.

Nahuli si Alyas Ed sa pinagsanib na pwersa ng 1st IPMFC, PIU-IPPO, Gamu Police Station, Detectives ng Isabela PFU-CIDG, RFU 2 at RSOT-CIDG kung saan umaktong poseur-buyer ang CIDG.

Narekober sa suspek ang (2) units na Armscor caliber .45 at Ruger P95DC 9mm pistol na parehong may serial number; (2) pcs stainless magazine at (21) pcs ammunition; (1) unit ng cellphone; brown sling bag; (1) 500 peso bill na buy bust money at (25) pcs 1000 peso bill na boodle money.

Samantala, dinala na sa CIDG Isabela ang naturang suspek at ang mga nakuhang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments