Lalaki na Nakainom ng Alak, Patay Matapos Malunod

Cauayan City, Isabela*- *Binawian ng buhay ang isang lalaki makaraang malunod sa ilog partikular sa Duba Cave ng Barangay San Miguel, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Edmar Talon, 23 taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng Zone 4 Barangay Poblacion, Baggao, Cagayan.

Base sa imbestigasyon ng PNP Baggao, nagtungo ang biktima kasama ang mga kaibigan sa nasabing lugar upang mag picnic.


Habang nasa Duba Cave ang grupo ng biktima ay nagkaroon ang mga ito ng pagtatagay at kumain pa umano ng pananghalian ang biktima bago nagtungo at naligo sa ilog.

Makalipas ang isang oras ay nag-alala na umano ang mga kaibigan nito dahil hindi pa ito bumabalik dahilan upang siya ay hanapin.

Sa paghahanap ng mga kasamahan ay natagpuan na lamang ang katawan ng biktima na nakalutang sa ilog.

Nagawa pang isugod sa ospital ng Tito ang biktima subalit idineklara siyang dead on arrival (DOA) ng umasikasong physician.

Facebook Comments