Lalaki na nakitang naglalakad ng pasuray-suray, bangkay na ng matagpuan sa ilog

68

Tangalan, Aklan— Bangkay na nang matagpuan ang biktimang si Ed Francisco Sobron, 22-anyos at residente ng Brgy. Panayakan Tangalan kaninang umaga.
Ayon kay PEMSGT. Rene Miguel, Deputy Chief of Police ng Tangalan PNP Station na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na huling nakita kagabi na pasuray-suray na naglalakad ang biktima kagabi papuntang ilog ng Sitio Sumaeay sa nasabing barangay.
Matapos na makita ito ay ay agad na nag report sa Tanod ang naka kita at agad na nirespondehan pero hindi na ito nakita pa.
Kaninang umaga, nakita ito na patay na sa nasabing ilog at pinaniniwalaang nalunod.
Para makasiguro, humingi ang Tangalan PNP ng assistance sa SOCO – Aklan para mag conduct ng karagdagang imbestigasyon pero hindi naman ito nakitaan na may foul play.
Nag request din ng post mortem examination ang Tangalan PNP sa Rural Health Physician na si Dr. Fuentes para malaman ang sanhi ng pagkamatay pero hinihintay pa ang resulta.
Ang nasabing ilog ay may kalaliman at marami na ring insidente ng pagkalunod ang nangyari dagdag pa ni Miguel.

Facebook Comments