Lalaki na Sangkot sa Iligal na Droga, Arestado!

*Cordon, Isabela- *Timbog ang isang lalaki na sangkot sa iligal na droga matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Rizaluna Cordon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Modesto Cajas, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Rizaluna Cordon, Isabela.

Nahuli ganap na alas sais y medya kagabi ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Anastacio D. Anghad, ng RTC Branch 36, Santiago City.


Si Cajas ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na may inirekomendang piyansa na P60,000.00.

Dinala na sa himpilan ng Cordon Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments