Lalaki na Siga sa Barangay, Bagsak sa Kamay ng mga Alagad ng Batas!

Cauayan City, Isabela- Nasa maayos na sitwasyon pa rin ang bayan ng Tumauini, Isabela bukod sa isang lalaki na naaresto ng kapulisan dahil sa hindi pagsunod sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, agad na dinakip ang suspek na kinilalang si Maximo Delos Santos matapos na suwayin at ipagsawalang bahala ang paninita ng isang Kagawad.

Nabatid na nakainom ng alak ang suspek nang siya’y sinisita ng Kagawad ng Brgy. San Vicente.


Ayon pa kay PMaj. Gatan, siga-siga aniya ang suspek sa kanilang barangay at sana’y magsilbing leksyon para sa lahat ang pagkakahuli ng naturang suspek.

Hinihingi pa rin ng Hepe ang kooperasyon ng lahat upang hindi magaya sa mga naunang nadakip na lumabag sa Enhanced Community Quarantine.

Kaugnay nito, inihahanda na ang kasong *Direct Assault Upon an Agent* of a *Person* in *Authority na* isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments