Lalaki na sinita dahil walang suot na facemask, nakuhanan ng marijuana sa QC

Dahil sa hindi pagsusuot ng facemask, natiklo ang isang binata matapos makuhaan ng marijuana sa P. Francisco St., corner Salvador St., Brgy. Krus na Ligas, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 9 ang naaresto na si Emmanuel Carino, 18-anyos.

Ayon sa mga otoridad, sinita ng mga nagpapatrolyang pulis ang binatilyo dahil pagala-gala nang walang suot na face mask.


Pero napansin ng mga pulis ang pagiging balisa ng suspek, kaya agad nila itong kinapkapan.

Nakuha sa binatilyo ang dalawang sachets ng marijuana na may street value na P240.

Facebook Comments