Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kinilala ang suspek na si Lito Cansino Duque.
Si Duque ay nagtago ng mahigit tatlong dekada dahil sa kasong Murder noong January 1991 at ipinag-utos ni Judge Nicodimo T. Ferrer Presiding Judge of Regional Trial Court, First Judicial Region Br. 38, Lingayen, Pangasinan ang pag-aresto sa kanya.
Inihayag naman ng suspek na self-defense ang kanyang ginawa at namatay ang kanyang kapatid dahil sa insidente.
Dahil sa matinding takot, nagdesisyon umano itong magtago at hindi na nagawa pang ipagtanggol ang kanyang saril sa korte.
Nabatid na ang akusadong si Duque ay lider ng “Duque Gun-for-Hire and Gunrunning Group” at kabilang sa pagiging No. 6 Provincial Level Most Wanted Person sa Pangasinan at ngayon ay nasa pangangalaga ng CIDG para sa kaukulang disposisyon.