Lalaki na Top 1 sa Kasong Panggagahasa, Muling Sinampahan ng kaso sa BJMP Santiago City

115

*Cauayan City, Isabela*- Muling sinampahan ng kaso ang isang magsasaka na nasa kulungan at Wanted Person Municipal Level para sa kasong Panggagahasa.

Kinilala ang akusado na si Diomer Clave, 32 anyos, may asawa at residente ng Bgy. Rizal, San Guillermo, Isabela.

Pinangunahan ni PMAJ. Mariano Marayag, Hepe ng PNP San Guillermo ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa BJMP Santiago City sa isang Top 1 sa ilalim ng Manhunt Bravo na may petsang Oktubre 22, 2019 na ipinalabas ni kagalang galang hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City.

Wala namang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito habang nakapiit pa rin sa BJMP Santiago City para harapin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments