Lalaki na Top 10 sa Kasong Panggagahasa, Arestado

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki na Top 10 sa Lambak ng Cagayan matapos maaresto sa ilalim ng ‘COPLAN KEN’ ng mga otoridad sa Brgy. Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang akusado na si Kenneth Ordonio, nasa tamang edad, binata at residente ng Brgy. Quezon sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Solano, nadakip ang binata matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Cicero Jandoc, Executive Judge ng RTC Bayombong para sa dalawang counts ng kasong Panggagahasa.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito habang nananatili sa pangangalaga ng kapulisan ang nasabing binata.

Facebook Comments