Lalaki na Tulak ng Droga, Huli sa Buybust Ops!

111

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang lalaki matapos na kumagat sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad sa Brgy Batal, Santiago City.


Kinilala ang suspek na si Cornelio Devera Mangino, 46 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Bugallon Proper, Purok 2, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nadakip si Cornelio ng pinagsanib na pwersa ng PNP Ramon at Santiago City Police Station 1 ng SCPO matapos makabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer sa suspek kapalit ang limang daang piso (P500.00) na buy bust money.

Nabatid na kabilang sa Drug โ€˜watchlistโ€™ ng PNP si Cornelio na may nauna ng kaparehong kaso.

Inihahanda na ng Santiago City Police Station 1 ang kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban kay Cornelio.

Facebook Comments