Lalaki na Umano’y Nagnakaw ng 200 na Itik, Arestado!

90

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na nahaharap sa kasong pagnanakaw sa Isabela matapos itong maaresto sa bisa ng warrant of arrest sa Lalawigan ng Zambales.

Bandang alas 4:00 kaninang madaling araw nang ipasakamay sa himpilan ng PNP Cauayan City ni PEMSg Marlon Fontelera ng Zambales Police Provincial Office ang akusado na kinilalang si Edilberto Bulatao na taga Burac, Zambales.


Si Bulatao ay sinampahan ng kasong Qualified Theft ng kanyang amo na si Sonny Reginaldo dahil umano sa pagnanakaw nito ng mga itlog at 200 na itik.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Bulatao, dati aniya itong tagabantay ng itik sa Luna, Isabela at sinabi nito na wala siyang ninakaw na mga itik noong siya ay umalis sa kanyang amo.

Una umano siyang nagpaalam sa kanyang amo kasama ang kanyang pinsan dahil nahihirapan umano sila sa kanilang trabaho subalit hindi sila pinayagan.

Dahil dito ay naisipan umano nilang tumakas na dahilan ng kanilang pagkakasampa ng kaso.

Anumang araw ay ipapasakamay sa court of origin ang naturang akusado.

Facebook Comments

From Advertisers