Lalaki na Wanted sa Batas, Arestado sa Caloocan City

29

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki na wanted sa batas mula sa lalawigan ng Cagayan ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa Barangay Rose Drive Deparo, Caloocan City.

Nakilala ang naaresto na si alyas ‘Inggu’, 29 taong gulang, walang asawa, at residente ng Brgy. Centro 1 Claveria, Cagayan.


Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong ‘Robbery’ na inisyu ni judge Gemma P. Bucayu-Madrid ng Regional Trial Court, Branch 12, Sanchez Mira, Cagayan noong April 5, 2021.

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng Claveria Police Station at nakatakdang ipasakamay sa court of origin matapos maisailalim sa booking procedure.

Facebook Comments